Nagpaliwanag si Vice President Sara Duterte sa naging biyahe nito sa ibang bansa.
Nakatanggap kasi ng ilang pagpuna ang pangalawang pangulo dahil sa pag-alis nito sa kabila ng kalamidad na tumama sa Pilipinas.
Ayon sa opisyal na panahayag ng bise presidente na nagkataon lamang na ang biyahe ng kanilang pamilya sa ibang bansa ay sumabay sa epekto ng Carina at habagat.
Dagdag pa nito na may authority umano siya mula sa Office of the President na ipinalabas noong Hulyo 9, 2024.
Ayon pa kan Vice President Sara na nakahanda ang Disaster Operations Center ng Office of the Vice President upang magbigay ng asistensya sa mga pamilya na naapektuhan ng kalamidad.
“The timing of the trip coinciding with Typhoon Carina is unfortunate. Nonetheless, the Disaster Operations Center of the OVP, institutionalized by the Vice President, is always ready to assist families affected by calamities. “