Vice President Sara Duterte

Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte ngayog araw, Pebrero 18, 2026 na tatakbo siya bilang pangulo ng bansa sa 2028 national elections. 

Sa isang press conference ay sinabi ng pangalawang pangulo ang kaniyang plano para sa halalan sa taong 2028.

Bago pa man ang pagharap sa mga kawani ng media ay ipinag-utos ni Duterte ang pag tanggal sa logo ng Office of the Vice President sa podium.

Ang maagang anunsyo ng bise presidente ay nakatanggap naman ng magkakahalong reaksyon mula sa publiko.