LEGAZPI CITY – Huwag nang hintayin ang “last minute” sa pagpaparehistro.
Apela ito ng Commission on Elections (COMELEC) Regional Office 5 kasunod ng anunsyo ng resumption ng voter registration mula Hulyo 4 hanggang 23 bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bicol Regional Elections Supervisor Atty. Maria Juana Valeza, wala nang ibibigay na extension kung magpaso na ang deadline.
Alinsunod sa Republic Act No. 8189, bawal na ang voter registration nasa 120 araw bago ang halalan.
Bukas naman ang tanggapan mula Lunes hanggang Sabado, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Kung magpaparehistro, downloadable ang form sa www.comelec.gov.ph o kaya’y tumawag sa tanggapan para sa pagpa-schedule ng appointment sa election office.
Nagpaalala rin ang COMELEC sa “no mask, no registration” policy at iba pang health protocols.