LEGAZPI CITY- Pansamantalang nag assume ngayong araw ,Agosto 27 bilang acting Mayor ng Daraga Albay si Vice Mayor Jungie Jaucian matapos ang pagsuko ni Mayor Carlwyn Baldo sa kapulisan dahil sa kasong 2 counts of murder.
Ito ay sa bisa ng section 46 ng Republic Act 7160 o ang Local Government Code of 1991.
Tinipon ni Jaucian ang mga head officer ng kada department ng munisipyo kasama na ang Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) VI na si Ma. Cecilia Del Puerto para sa pormal at paghingi nito ng importanteng update at mga concern ng kada opisina na kailangang mabigyan agad ng aksyon.
Samantala, inaasahan umano sa susunod na linggo ang ipapalabas na desisyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa temporaryong mangangatawan bilang acting vice mayor ng Daraga.
Kung babalikan, ipinag-utos ng korte ang pag aresto kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo dahil sa kaso nitong 2 counts of murder kaugnay ng pagpatay kay dating Rep. Rodel Batocabe at police escort nito na si Orlando Diaz noong taong 2018.