naked tourists in green lava

LEGAZPI CITY- Ipinapahanap na ng lokal na pamahalaan ng Daraga ang mga vloggers na nagpakuha ng larawan sa isang kilalang pasyalan sa naturang bayan, habang walang damit.

Matatandaan na kumalat ang larawan ng mga ito sa ‘Green Lava’ habang walang suot na saplot.

Ayon kay Dagara Mayor Victor Perete sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng naturang mga vloggers lalo pa at isang pampublikong lugar ang Green Lava na kilalang dinadayo ng mga turista.

Aniya tila paglapastangan umano ang ginawa ng mga ito sa kultura at tradisyon ng naturang bayan.

Nabatid na imbitado ang naturang mga vloggers sa isang aktibidad sa Albay subalit hindi pa malinaw kung nakaalis na ito ng lalawigan.

Iginiit pa ng alkalde na hinihikayat nila ang mga turista na magtungo sa naturang bayan subalit kinakailangan aniya na magpakita ng respeto ang mga ito.