LEGAZPI CITY- Nanawagan ang mga kapulisan sa publiko na makipag-ugnayan sa kanila upang makapag bigay ng impormasyon sa indibidwal na posibleng nagtanim ng nadiskubreng marijuana plant sa Barangay Conception, Virac, Catanduanes.
Kung babalikan, itinurn over ng punong barangay ang naturang marijuana plant sa mga kapulisan matapos madiskubre sa isang abandonadong bahay.
Ayon kay Police Major Emsol Icawat, hepe ng Virac Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na blangko pa sila kung sino ang posibleng nagtanim nito.
Nabatid na isinailalim na rin sa eksaminasyon sa crime laboratory ang naturang marijuana plant.
Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang umano ang resulta ng naturang tests.
Ayon sa hepe na patuloy an ginagawang paglaban ng mga kapulisan sa anumang uri ng iligal na droga sa naturang bayan ay hindi hahayaan na muling mangibabaw ang mga drug personalities sa lugar.