LEGAZPI CITY- Inilunsad ng Virac Municipal Police Station sa lalawigan ng Catanduanes ang ‘Project boardmates.’
Ayon sa hepe ng naturang himpilan na si Police Major Emsol Icawat sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nais nila na maging organisado, aktibo at responsable ang mga mag-aaral sa lugar.
Sa ilalim ng naturang programa ay nakikipag-ugnayan ang mga kapulisan sa mga may-ari ng mga boarding house upang makapagsagawa ng information dissemination kung paano makakaiwasa ang mga estudyante sa anuman na uri ng kriminalidad.
Ito ay sa ginya ng tumataas na insidente ng nakawan na nabibiktima ang mga borders.
Nagkakaroon rin ng ilang paalala hinggil sa ipinagbabawal na ilial na droga at ilan pang mga iligalidad.
Samantala, nagpapasalamat naman ang hepe sa kooperasyon ng mga boarding house owners kaya mas magiging epektibo ang naturang programa.