LEGAZPI CITY – High morale ang buong Virac Municipal Police Station sa Catanduanes matapos na pangalanan bilang second Best Municipal Police Station sa Bicol.
Ito ay matapos ang isinagawang deliberasyon ng Regional Sub-Committee for the Selection of Unit Awardees (SCSUA) para sa Best Unit Award.
Nagsagawa muna ng mula Hunyo 9 hanggang 11, 2022 para sa pagpili ng Best Police Provincial Office (PPO), Best City Police Station (CPS), Best Municipal Police Station at Best Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Napag-alaman na nasa 114 na MPS sa rehiyon ang nagtapatan para sa pagkilala na bahagi ng 121st Police Service Anniversary Celebration ng taong 2022.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Robert Kevin Caparosso, hepe ng Virac PNP, lubos na ipinagpapasalamat ang pagkilala sa tulong ng mga stakeholders hindi lamang sa mga tauhan kundi sa iba pang kaagapay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan.
Pangako pang mas pagsisikapan sa mabuting pagseserbisyo sa mga kababayan.
Kabilang sa mga criteria na binusisi ang karakter at akomplisyemento ng MPS mula Abril 1, 2021 hanggang Marso 31, 2022.
Nanguna naman ang Bulan MPS sa Sorsogon sa naturang parangal.