Nagtungo si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Hall of Justice nitong umaga ng Setyembre 5, 2026, matapos ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng kasong grave threats.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Duterte na pakiramdam niya ay hindi siya ligtas.
Nagpahayag rin ito ng pagkabahala para sa kaniyang mga anak.
“I do not feel safe. Pakiramdam ko papatayin nila ako.” ayon kay VP Sara.
Dagdag pa ni VP Sara na wala siyang tiwala sa kapulisan at sa korte.











