LEGAZPI CITY- Siniguro ng bagong acting Mayor ng Legazpi City na ipagpapatuloy nito ang serbisyo sa publiko matapos na palitan niya ang kasalukuyang alkalde dahil sa isang taon na suspension order na ibinaba ng ombudsman.
Ayon sa eksklusibong panayam ng Bombo radayo legazpi kay Bobby Cristobal,ang Legazpi City Vice Mayor personal na iniabot sakanya ng DILG ang sulat na nagbibigay paalala dito na kailangan na niyang mag assume bilang City Mayor.
Halo halong emosyon naman ang kanyang naramdaman kung saan isa na rito ang pagkalungkot dahil sa pagkakasuspende ng kanyang matalik na kaibihan na si Mayor Gie Rosal at pagkatakot dahil naman sa malaking responsibilidad aniya ang pagiging isang alkalde.
Pero siniguro ng opisyal na hindi mapuputol ang serbisyo nito sa mga kababayan at ipapatupad nito ang mga programa ng lungsod.
Gusto din niya magkaroon ng magandang ugnayan sa pagtatrabaho ng mga empleyado ng Legazpi.
Samantala, plano ni Cristobal na magkurtisiya pa rin sa suspended Mayor upang pakinggan ang kanyang saloobin.
Kung matatandaan, nag-isyu ng isang taon na suspension order ang Office of the Ombudsman laban kay Legazpi City Mayor Geraldine Rosal dahil sa naging reklamo sa opisyal noong mga nakaraang taon sa pagkakatalaga kay Engr. Clemente Ibo sa Provincial government of Albay kahit na ang posisyon nito ay sa City Engineering office.