LEGAZPI CITY – Namigay ang Albay Provincial Veterinary Office ng manok sa mga hog raisers na naapektohan ng African Swine Fever sa bayan ng Tiwi.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Provincial Veterinary head Dr. Pancho Mella, tig-10 manok ang ibinigay ng provincial government sa nasa 83 na mga hog raisers.
Ayon kay Mella, ito ang naisip na paraan ng gobyerno upang magkaroon pa rin ng kabuhayan ang mga apektadong hog raises lalo pa at nasa red zone pa ang Tiwi at bawal ang magbenta ng karneng baboy.
Maliban sa manok, nagbigay rin ang Veterinary office ng feeds na magagamit para sa patuka sa mga manok.
Nagsagawa rin ng training at seminar kung saan tinuruan ang mga benipisyaryo kung pano ang tamang pag-aalaga ng manok.
Sa ngayon nakabantay pa ang Albay Provincial Veterinary Office sa sitwasyon ng Tiwi at naghihintay pa ng tatlong buwan bago maideklara na ASF free ang bayan