Nagpalabas ng pahayag ang pamunuan ng DoubleGem EDSA Garden Events na walang magaganap na ‘blue ribbon committee hearing’ sa kanilang lugar.
Ito matapos i-anunsyo ni dating Rep. Mike Defensor ang umano’y pagdinig na isasagawa ng Cayetano block na nakatakda sana ngayong umaga.
Subalit sa ipinalabas na abiso ng naturang venue ay sinabi nito na hindi na ipagpapatuloy ang aktibidad.
Nilinaw rin ng pamunuan ng naturang venue na wala silang anuman na ugnayan sa mga organizers o mga kalahok sa naturang evgent.
“𝘞𝘦 𝘸𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘢𝘭𝘴𝘰 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘵𝘰 𝘳𝘦𝘪𝘵𝘦𝘳𝘢𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘋𝘰𝘶𝘣𝘭𝘦𝘨𝘦𝘮 𝘌𝘋𝘚𝘈 𝘎𝘢𝘳𝘥𝘦𝘯 𝘌𝘷𝘦𝘯𝘵𝘴 𝘗𝘭𝘢𝘤𝘦 𝘩𝘢𝘴 𝘯𝘰 𝘢𝘧𝘧𝘪𝘭𝘪𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘸𝘩𝘢𝘵𝘴𝘰𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘳𝘨𝘢𝘯𝘪𝘻𝘦𝘳𝘴, 𝘱𝘢𝘳𝘵𝘪𝘤𝘪𝘱𝘢𝘯𝘵𝘴, 𝘰𝘳 𝘴𝘶𝘣𝘫𝘦𝘤𝘵 𝘮𝘢𝘵𝘵𝘦𝘳 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘦𝘷𝘦𝘯𝘵. 𝘖𝘶𝘳 𝘳𝘰𝘭𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘴𝘰𝘭𝘦𝘭𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘰𝘧 𝘢𝘯 𝘪𝘯𝘥𝘦𝘱𝘦𝘯𝘥𝘦𝘯𝘵 𝘦𝘷𝘦𝘯𝘵𝘴 𝘷𝘦𝘯𝘶𝘦 𝘱𝘳𝘰𝘷𝘪𝘥𝘦𝘳.” ayon sa pahayag.
Matatandaan na nitong umaga lamang ay dumating na sa DoubleGem EDSA Garden Events Place ang ilang mga personalidad na sinasabing magsisilbing resource persons.











