Niyanig ng magkasunod na malakas na lindo ang Venezuela, na nagdulot ng pinsala sa mga gusali sa kabisera nito sa Caracas.
Ayon sa US Geological Survey na ang unang lindol ay magnitude 7.1 at ang epicenter ay nasa Morón na matatagpuan sa kanluran ng Caracas at may lalim na 13 kilometers.
Agad naman itong nasundan ng mas malakas na pagyanig na umabot sa magnitude 7.5 ay may lalim na 10 kilometers.
Ang magkasunod na pagyanig na ito ay itinuturing na pinakamalakas na lindol sa Venezuela sa loob ng mahigit isang dekada.
Patuloy naman na inaalam ngayon ang naging lawak ng pinsala dahil sa insidente.











