Dinomina ng team USA ang men’s basketball upang masungkit ang ika-limang magkakasunod na Olympic gold medal, matapos talunin ang France sa score na 98-87.
Nagpakawala si Stephen Curry ng 24 points kabilang na ang walong 3-pointer sa fourth quarter, upang pangunahan ang USA.
Sina Kevin Durant at Devin Booker ay kapwa nakapagtala ng 15 points habang si LeBron James naman ay nag-ambag ng 14 points.
Sa kabilang banda, pinangunahan naman ni Victor Wembanyama ang koponan ng France sa pamamagitan ng kaniyang 26 points.
Subalit hindi ito naging sapat upang pigilan ang opensa ni Curry at ng team USA.