Naitala ng USA men’s basketball ang come-from-behind win laban sa Serbia sa score na 95-91, upang makapasok ito sa gold medal match ng Paris Olympics.

Sa pagsisimula ng laban ay hawak pa ng Serbia ang kalamangan.

Umabot pa ng 17 points ang lamang ng Serbia subalit naitala ang 32-15 shots sa huling quarter upang mabaliktad ang laban.

Dahil dito ay nananatiling buhay ang pag-asa ng Team USA na masungkit ang ika-limang magkakasunod na Olympics gold.

Nanguna naman sa Team USA si Golden State Warriors star Stephen Curry na nakapagtala ng 36 points at walong rebounds habang nag-ambag naman si Joel Embiid ng 19 points, at 16 points naman ang mula kay LeBron James.

Samantala makakaharap ng USA para sa gold medal ang koponan ng France.