Nagpasya na si US Secret Service Director Kimberly Cheatle na kusang magbitiw sa kaniyang tungkulin.
Ito ay sa gitna ng tumataas na pressure dahil sa umano’y palpak na security measures kasunod ng nangyaring assasination attempt kay dating US President Donald Trump sa rally nito sa Pennsylvania.
Matatandaan na dumalo pa si Cheatle sa pagdinig ng House Oversight Committee noong Lunes.
“As your Director, I take full responsibility for the security lapse,” ayon sa bahagi ng sulat na ipinadala ni Cheatle sa US Secret Service.
Inako ng nito ang responsibilidad sa umano’y pagkukulang sa nangyaring tangkang asasinasyon kay Trump.