US President Donald Trump

Pinirmahan na ni US President Donald Trump at ng pangulo ng Iran ang kasunduan na naglalayon na tuluyan ng tapusin ang kaguluhan sa Middle East.

Ayon sa isang opisyal ng White House na nilagdaan na ni Trump ang memorandum of understanding.

Sa kabilang banda, iniulat naman ng news agency ng Iran ang pahayag ni Iranian Foreign Ministry spokesman Esmaeil Baqaei na naisapinal na ang naturang dokumento at pormal na nilagdaan ng pangulo ng dalawang bansa.

Dahil ito ay inaasahan na ang tuluyan na kapayapaan matapos ang naging pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa Iran noong Pebrero, na nagdulot ng matinding dagok sa ekonomiya ng maraming mga bansa.

Sa kasalukuyan ay inaasahan na ang implementasyon ng naturang kasunduan.