Kinondena ni US President Joe Biden ang nangyaring kaguluhan sa campaign rally ng karibal nito na si Donald Trump sa Pennsylvania.

Aniya, walang lugar sa Estados Unidos ang anumang uri ng karahasan.

Matatandaan kasi na may mga nagpaputok umano ng baril sa kasagsagan ng rally ng Republican frontrunner na dahilan ng pagtamo ng minor injury ni Trump at pagkasawi ng isang audience.

Ayon kay Biden, nakausap na nya ang doktor ni Trump na nasa mabuting kalagayan na umano sa kasalukuyan.

Dagdag pa nito na nais din niyang maka-usap si Trump sa mga susunod na oras.

Samantala, tumanggi naman ang US Presidente na magpalabas ng iba pang komento sa umano’y assasination lalo pa at wala pa umano silang nakukuha na sapat na impormasyon kaugnay ng insidente.

Subalit siniguro nito na kumukilos na ang mga tanggapan ng pamahalaan para sa nagpapatuloy na pagsisiyasat.