Maglalaan ang Estados Unidos ng karagdagang $2.3 bilyon bilang military aid sa Ukraine.
Ito ay sa gitna ng patuloy na suporta ng naturang bansa sa Ukraine na nahaharap sa malaking hamon kasunod ng pagsalakay ng Russia.
Sinabi ni US Secretary of Defense Lloyd Austin na makakatulong ang naturang halaga upang makabili ng bagong air defense interceptors, anti-tank weapons at mga bala para sa Ukraine.
Matatandaan na nitong mga nakalipas na buwan lamang ay lumobo pa sa mahigit $61 bilyon ang naipaabot na tulong ng Amerika sa Ukraine.
Samantala, ang panibagong hakbang na ito ng Washington ay hindi ikinatuwa ng Moscow.