LEGAZPI CITY- Nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang isang US made Environmental Monitoring Device na na-recover ng isang mangingisda sa Bulusan, Sorsogon.
Ayon kay Police Regional Office Bicol Director Brig. General Andre Dizon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na posibleng ginagamit ang device sa pag-aaral na may kinalaman sa karagatan.
Nabatid na isa itong solar powered device na ginagamit sa oceanography.
Paliwanag ng opisyal na personal na nagtungo ang mga kapulisan sa tahanan ng hindi na pinangalanan na mangingisda matapos kumalat ang impormasyon sa social media.
Boluntaryo naman aniya na itinurn over ang naturang device na ngayon an isinasailalim sa pag-aaral ng mga otoridad.
Samantala, siniguro naman ni Dizon na walang anumang explosive device ang naturang bagay.
Nanawagan naman ito sa publiko na agad na makipag-ugnayan sa mga otoridad kung sakaling may ma-recover na kaduda-dudang mga bagay.