LEGAZPI CITY- Nakiisa ang US Coast Guard at Australian forces sa isinagawang search and rescue training na pinangunahan ng Legazpi Search and Rescue Dog Detection Organization.
Kabilang pa sa mga dumalo sa naturang aktibidad ang K9 unit ng Philippine Air Force, Philippine Navy, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police-Explosive Ordnance Disposal k9 unit at iba pang stake holders.
Ayon kay Legazpi City veterinarian Dr. Manny Estipona sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagbigay ng mga rekomendasyon ang US Coast Guard sa mas mabisang paraan ng pag-rescue sa panahon ng kalamidad.
Inaasahan na magpapalakas ang naturang aktibidad para sa disaster preparedness and resiliency ng lungsod ng Legazpi.
Aniya, malaking tulong sa pagsasalba ng buhay ng mga tao sa panahon ng sakuna ang mga aso na nagsasailalim sa training.
Ayon pa kay Estipona na kabilang siya sa mga nag-donate ng mga aso na isasailalim sa disaster response training na papangunahan ng Philippine Air Force.