LEGAZPI CITY- Nananatiling buhay ang pag-asa ng pamilya ng nawawalang mangingisda sa San Pascual, Masbate na mahahanap pa ng ligtas ang biktima.

Ito kahit isang linggo na ang lumipas matapos itong mawala sa karagatan.

Matatandaan na habang nasa laot ay naka-idlip umano ang biktima kasama ang kapatid na si Roland Marientes ng biglang mamalayan na nabangga na ang kanilang bangka ng isang cargo ship.

Nagawa pa naman ng mga ito na makatalon subalit tinamaan umano ng barko ang kaniyang kapatid.

Ayon kay Marientes sapanayam ng Bombo Radyo Legazpi na matinding kalungkutan umano at pagkabahala ang nararamdaman ng kanilang pamilya dahil sa insidente.

Kwento pa nito na nasa 15 taon na siyang nangingisda subalit ngayon lamang nakaranas ng kaparehong aksidente.

Samantala, hiniling naman nito sa mga tanggapan ng pamahalaan na ipagpatuloy ang paghahanap sa kaniyang kapatid.