LEGAZPI CITY – Nakapag-uwi ng malaking karangalan ang Bicol University College of Engineering matapos na makuha ang rank 2 bilang top performing school sa kakatapos pa lamang na Mechanical Engineers Licensure Examination.

Nakapagtala ang unibersidad ng 97.33% na passing rate sa eksaminasyon kung saan 70 sa 75 estudyante nito ang nakapasa.

a panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Mary Joy Mandane Ortiz ang Instructor ng Bicol University College of Engineering, kinumpirma nito na ang batch ng mga estudyante na nagviral sa pagsusuot ng anti-cheating hats sa pagkuha ng eksaminasyon sa paaralan ang siyang nakapagtala ng mataas na passing rate.

Nakatulong umano ang kanilang paglalagay ng anti-cheating hats upang mas maengganyo pang mag-aral ang mga estudyante at hind mangopya sa kanilang mga katabi.

Nagapaabot naman ng pagbati si Ortiz sa mga nakapasa at pinuri ang dedikasyon sa pag-aaral lalo pa at panahon ng pandemya ng pumasok sa unibersidad ang nasabing batch.

Samantala nanguna naman sa bilang rank 1 sa top performing school ang University of Science and Technology ng Southern Philippine Cagayan de Oro na may passing rate na 97.33% habang rank 3 ang Bohol Island State University – Tagbilaran na may 93.10%.