Maagang nakasungkit ng gold medal sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2024 ang Central Visayas.

Nanguna kasi sa 3000 meter run, secondary level ng Athletics si Asia Paraase na mula sa Lapu-Lapu City.

Nabatid na ito na ang ikalawang pagkakataon na nag-kwalipika si Paraase sa Palarong Pambansa subalit unang pagkakataon pa lamang na makasungkit ng gintong medalya.

Sa ilang mga panayam, sinabi nito na marami na siyang hinarap na mga pagsubok na naging dahilan ng tila unti-unting pagkawala ng kaniyang tiwala sa sarili subalit masaya na nalagpasan niya ang mga ito.

Samantala, nagpapatuloy naman sa kasalukuyan ang iba pang sporting events kung saan nagpapatagisan ang mga atleta mula sa iba’t ibang panig ng bansa.