Nasungkit ng China ang unang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Ito ay sa pamamagitan ng tandem nina Huang Yuting at Sheng Lihao na nangibabaw sa 10m Air Rifle Mixed Team Final.

Tinalo ng Chinese duo ang pambato ng Korea na sina Keum Jihyeon at Park Hajun, na nakapagbulsa naman ng silver medal.

Samantala, bronze medal naman ang naibulsa ng Kazakhstan duo na sinda Alexandra Le at Islam Satpayev, matapos talunin sina Anna Janssen at Maximilian Ulbrich ng Germany.

Ginanap ang naturang kompetiston sa lungsod ng Chateauroux sa France.