Sinalubong ang unang araw ng Hulyo ng panibagong taas presyo sa liquefied petroleum gas (LPG).

Nagpatupad kasi ang mga kumpanya ng 55 sentimos na dagdag sa kada kilo ng LPG o katumbas ng P6.05 sa kada 11 kgs. na tangke.

Naging epektibo ito kaninang alas-12:01 ng madaling araw.

Dahil dito ay panibagong pasanin na naman ang maipapasa sa mga consumers.

Matatandaan na noong Hunyo ay nagbawas ang presyo ng LPG ng P6.20 sa kada 11 kgs kaya tila binawi lamang ito sa kasalukuyang buwan.