LEGAZPI CITY- Nagsuspinde ng pasok sa trabaho at klase ang pamunuan ng University of Santo Tomas-Legazpi ngayong araw, Marso 28, 2025.
Hindi naman nagpalabas ng rason ang pamunuan ng unibersidad kaugnay ng kanilang desisyon.
Habang sinusulat ang balitang ito ay kinukumpirma ng Bombo Radyo Legazpi ang ulat na mayroon umanong bomb threat sa naturang unibersidad.
Sa paglilibot ng team ng Bombo Radyo Legazpi ay nakita na ang mga kapulisan sa loob ng unibersidad, kabilang ang bomb squad.
Sa kabila nito ay tikom pa rin ang mga otoridad at hindi pa kinukumpirma ang naturang bomb threat.
Samantala, mahigpit na rin ang seguridad na ipinapatupad sa lugar at hindi na rin pinapayagan na pumasok sa bisinidad ng unibersidad.