Naaresto na ng mga otoridad ang isang lalaki na suspek sa mass stabbing sa Southport, northwest England.

Walo ang naitalang sugatan sa naturang pananaksak na agad naman na naitakbo sa iba’t ibang mga pagamutan.

Ayon sa Merseyside Police na na-recover naman sa lalaki ang ginamit nitong patalim.

Kasunod ng insidente ay agad naman na nagpaabot ng pakikisumpatya si Prime Minister Keir Starmer sa mga biktima kasabay ng pagpapasalamat sa mga kapulisan na mabilis na rumespunde sa krimen.

Samantala, iniimbestigahan naman ngayon ang motibo ng suspek sa naturang pananaksak.