LEGAZPI CITY-Patuloy na binabantayan ang Typhoon Domeng na ngayon ay mas lalong nag-intensify sa layong 815 km ng Northern Luzon, ayon sa huling datos ng PAG-ASA.
Habang idineklara na simula ngayong araw, Mayo 30, ang epekto Southwest Monsoon sa buong bansa, kung saan asahan na mapapadalas na ang pag-uulan lalo na tuwing hapon sa darating na mga Linggo.
Ayon kay Weather Speacialist Alexis Ruivivar sa intrevista kan Bombo Radyo Legazpi na taglay ng Typhoon Domeng ang lakas ng hangin na nasa 120 km/hr malapit sa sentro at pagbugso na nasa 150 km /hr.
Patuloy ang pagkilos nito sa direksiyong northwest ward sa bilis na 20km/hr.
Base sa track ng PAG-ASA na mababa ang tsansa nito na mag-landfall ngunit magdudulot pa rin ito ng kalat-kalat na pagu-ulan habang dumadaan sa eastern section ng bansa.
Inaasahan rin na sa darating na Lunes, ay lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility.
Samantala, mananatiling mainit pa rin ang panahon sa Bicol Region kung saan ngayong araw ay naitala ang pinakamataas na heat index sa Pili Camarines Sur, na umabot sa 44 degree celsius.











