LEGAZPI CITY – Paralisado ngayon ang turismo sa Singapore matapos na maapektuhan ang mga top resorts sa nangyaring oil spill.
Una rito, isang dregder boat ang nagkaproblema at nawalan ng kontrol hanggang sa bumangga sa nakatigil na cargo tanker na nagresulta sa pag-leak ng nasa 4,000 tons ng langis.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Fe Toledo sa Singapore, isinarado muna ang mga pasyalan na malapit sa mga dagat at mga beach resorts sa tatlong isla sa southern
part ng Singapore na pinka-apektado ng oil spill.
Habang bukas naman sa publiko ang Sentosa beaches subalit ipinagbabawal ang anumang aktibidad sa karagatan at paglangoy.
Sinabi ni Toledo, hindi lang mga marine reserve ang apekto kundi maging ang mga ibon na isda ang pagkain.
Aniya, nakapagtala na rin ng fish sa mga baybayin na apektado ng oil spill.
Sa ngayon ay puspusan ang mga ginagawang oil spill clean up upang mapigilan na kumalat pa sa karatig na karagatan ang langis.