LEGAZPI CITY – Ibinida ng Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office na buhay na buhay ang turismo ng lalawigan ngayong summer season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office Head Bobby Gigantone, mas marami ang bumibisita ngayon sa lalawigan kumpara noong mga nakalipas na taon.

Fully booked na rin ang lagat na accommodation sa lugar na indikasyon na dagsa ang mga turistang bumibisita sa lugar.

Ayon kay Gigantone mayorya sa mga turista na pumupunta sa lugar ay mga banyaga o foreign tourists.

Isa umano sa mga nakaka-attract ng turista ang whale shark interaction o sightings sa bayan ng Donsol.

Samantal, panawagan na lamang ng opisyal na mahalagang pangalagaan ang kalikasan na susi upang balik-balikan ng mga turista ang isang lugar.