Tila lumaki pa ang kalamangan ni Donald Trump kay US President Joe Biden sa pinakahuling survey, ilang buwan bago ang US Presidential elections.

Kaugnay pa rin ito ng umano’y tila matamlay na performance ni Biden sa nakalipas na debate ng dalawa sa nangungunang Presidential candidate noong nakalipas na linggo.

Matatandaan na una ng nanindigan si Biden na magpapatuloy sa pagtakbo para sa panibagong termino sa kabila ng mga panawagan ng mamamayan at ng Democrats na umatras na ito dahil sa kaniyang edad.

Lumabas sa poll ng New York Times na naungusan ni Republican frontrunner Trump ng 6% si Democrat Biden.

Batay naman sa Street Journal poll na lamang rin ng 6 percentage points si Trump kumpara sa karibal na incumbent president.

© Reuters