Napatatili pa ng Tropical Storm Enteng ang lakas nito habang kumikilos sa northwestward ng coastal waters ng Vinzons, Camarines Norte.

May taglay itong lakas na 65 km/h at pagbugso na 80 km/h.

Samantala, batay sa bulletin ng Pagasa ngayong alas-2 ng umaga, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no.2 sa northeastern portion ng Camarines Norte (Vinzons), northeastern portion ng Camarines Sur (Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Siruma), Catanduanes, eastern portion ng Cagayan (Pe, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Santa Ana), at eastern portion ng Isabela (Palanan, Divilacan, Dinapigue, San Mariano, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Ilagan City, Tumauini).

Tropical Cyclone Wind Signal no.1 naman ang nakataas sa southern portion ng Batanes (Sabtang, Ivana, Uyugan, Mahatao, Basco), Apayao, eastern portion ng Kalinga (Tanudan, City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal, Lubuagan), eastern portion ng Mountain Province (Barlig, Natonin, Paracelis), eastern portion ng Ifugao (Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut, Mayoyao, Alfonso Lista, Aguinaldo), natitirang bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, eastern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Kasibu, Dupax del Norte, Bagabag, Diadi, Quezon, Villaverde, Solano), Aurora, northern at southern portions ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco, Lopez, Calauag, Catanauan, Gumaca, Macalelon, General Luna, Quezon, Alabat, Perez, General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Unisan, Pitogo, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Plaridel) including Polillo Islands, natitirang bahagi ng Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at northern portion ng Masbate (City of Masbate, Aroroy, Baleno, Mobo) kabilang ang Ticao at Burias Islands gayundin sa Northern Samar.