Ang sentro ng binabantayang Tropical Depression Enteng ay nasa 100 km Northeast ng Catarman, Northern Samar o nasa 115 km East Southeast ng Virac, Catanduanes.

May taglay itong lakas na nasa 55 km/h malapit sa sentro at pagbugso na nasa 70 km/h.

Ayon sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa southeastern portion ng Cagayan, partikular na ang Baggao, PeƱablanca gayundin ang eastern portion ng Isabela.

Nakataas rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa southern portion ng Quirino, northern portion ng Aurora, Polillo Islands, southern portion ng mainland Quezon, kabilang pa ang mga lalawigan sa Bicol region kasama ang Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands.

Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 rin ang nakataas sa Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, at northeastern portion ng Leyte.