LEGAZPI CITY- Bahagyang lumakas ang Severe Tropical Storm Pepito at papalapit na sa typhoon category.
Huling namataan ang sentro nito sa 795 km East ng Guiuan, Eastern Samar at may taglay na lakas na 110 km/h at pagbugso na nasa 135 km/h.
Kaugnay nito ay nakataas na ang tropical cyclone wind singal number 1 sa ilang bahagi ng Bicol partikular na sa Catanduanes, eastern portion ng Camarines Norte kasama ang Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud, eastern portion ng lalawigan ng Camarines Sur partikular sa Caramoan, Garchitorena, Presentacion, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Goa, Siruma, Tigaon, Sagñay, Calabanga, Naga City, Magarao, Bombon, Pili, Ocampo, Iriga City, Buhi, gayundin sa eastern portion ng Albay kabilang na ang Rapu-Rapu, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Legazpi City, Malinao, Manito, Tiwi, at eastern and southern portions ng Sorsogon kabilang ang Juban, City of Sorsogon, Barcelona, Bulusan, Magallanes, Gubat, Santa Magdalena, Casiguran, Bulan, Irosin, Matnog, Prieto Diaz, at Castilla.
Nakataas rinang tropical cyclone wind singal number 1 sa Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar kabilang ang San Policarpo, Arteche, Jipapad, Maslog, Oras, Dolores, Can-Avid, at northeastern portion ng Samar partikular ang Matuguinao, San Jose de Buan.