LEGAZPI CITY- Nanawagan ang mga tricycle drivers sa Sorsogon na tanggalin na ang coding system na ipinatupad magmula pa noong pandemya.
Ayon kay Jose Coral ang Chairman ng Federation of Associated Tricycle Operators and Drivers, matagal na nilang idinadaing ang coding system na dahilan ng pagbagsak ng kita ng mga tricycle drivers.
Imbes kasi na araw-araw na makapamasada, nababawasan pa ito dahil kailangan na alternate lang ang pagbiyahe.
Dagdag pa ni Coral na may mga pasahero ang nagrereklamo naman na nakukulangan ng masasakyan na tricycle.
Dahil dito, sumulat na ang asosasyon sa committee on transportation upang hingin ang pag-alis sa coding system.
Pangawagan ni Coral na dinggin ang hinaing ng mga tricycle drives lalo’t magbabalik na naman ang pasokan ngayong Hulyo 29.