LEGAZPI CITY- Nakiisa ang mga kawani ng Bombo Radyo Legazpi sa ikinasang ‘Project Tanom’ tree planting activity kan Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.
Naging matagumpay ang aktibidad sa kabila ng panaka-nakang mga pag-ulan na naranasan sa lungsod ng Legazi ngayong araw ng Sabado, Hunyo 29.
Sabay-sabay na nagtanim ng kahoy ang mga mamamahayag mula sa iba’t ibang mga himpilan sa lalawigan.
Isinagawa ang aktibidad sa Barangay San Francisco sa lungsod ng Legazpi.
Nakiisa rin sa aktibidad ang ilang mga uniformed personnel mula sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Layunin ng naturang ‘Project Tanom’ na mas mapangalagaan pa ang kapaligiran.