transport strike

LEGAZPI CITY—Tuloy na tuloy ang isasagawang nationwide transport strike ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at iba pang grupo simula araw ng Huwebes, Marso 26 hanggang Biyernes, Marso 27.


Ayon kan PISTON President Mody Floranda, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ito ay hinggil pa rin sa kanilang kilos-protesta patungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at oil deregulation law na hindi lamang nakakaapekto sa kanilang sektor kundi sa mamamayan.


Magsisimula aniya ang kanilang kilos-protesta simula alas-kwatro ng umaga at susundan ng iba’t ibang programa at aktibidad kasama ang pagmartsa patungong Malacañang upang ikondena ang kapabayaan ng administrasyong Marcos na pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, gayundin, ang panawagagang ibalik sa P55 ang presyo nito.


Inaasahang dadalo rin sa kilos-protesta ang TNVS, mga bus, UV Express, tricycle at iba pang sektor ng transportasyon.


Binigyan-diin ni Floranda na mahirap itago na may nangyayaring krisis sa bansa, at dapat magsagawa ng aksyon ang gobyerno dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng pampublikong transportasyon.


Inihayag pa nito na mahalaga na magkaisa ang mamamayan na kalampagin ang pamahalaan na responsibilidad nito na protektahan ang mga tsuper at mamamayan para sa maayos na kabuhayan.


Samantala, inaasahan din ng grupo na malaki ang mapaparalisang biyahe dahil sa ikakasang transport strike sa bansa.