LEGAZPI CITY – Pabor ang isang transport group na hulihin na ang mga jeepney na hindi pa nagconsolidate sa ilalim ng Public Utility Vehicles Modernization Program.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay National Public Transport Coalition Chairperon Ariel Lim, dapat simulan na ang naturang hakbang upang malaman kung talagang sapat ang bilang ng mga modernized jeepney at ng mga nagpa-consolidate.

Inimin din nito na sa ngayon ay hindi pa ramdam ang kakulang sa bilang ng mga pampublikong sasakyan dahil hindi pa pasukan ng mga mag-aaral.

Subalit oras aniya na magsimula na ang pasok tiyak na mararamdaman na ang perwisyo ng naturang programa sa public transport.

Lalo pa’t itinigil muna ng limang taon ang operasyon ng Philippine National Railways.

Ayon kay Lim, walang ibang maapektuhan dito kundi ang mga commuters at ang mga driver na naghahanapbuhay.