LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang kilos protesta na isinasagawa ng grupo ng mga transportasyon.
Ayon kay Manibela President Mar Valbuena sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na libu-libong mga miyembro ng transport group ang patuloy na nagpapahayag ng pagkontra sa implementasyon ng jeepney consolidation program.
Humingi naman ng dispensa ang grupo sa commuters na naapektuhan ng tatlong araw na tigil-pasada at mga pagkilos na kanilang inilunsad simula kahapon at tatagal hanggang bukas.
Paliwanag nito na kinakailangan umanong ipaglaban ang kanilang hanapbuhay.
Ayon kay Valbuena, itinaon nila ang aktibidad hanggang sa araw ng Kalayaan bukas, Hunyo 12 dahil hanggang sa kasalukuyan aniya ay wala pa rin silang kalayaan na makapag hanapbuhay at makapag serbisyo sa riding public.
Patuloy aniyang sinisiil ang kanilang kalayaan na magkaroon ng kita dahil sa maling sistema na ipinapatupad sa jeepney modernization program.