LEGAZPI CITY-Naglabas na ng traffic plan at advisory ang local government unit ng Legazpi kaugnay ng grand opening parade ng IBALONG FESTIVAL 2025.


Ayon kay Legazpi City Public Safety Office Chief Octavio Rivero, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, handa na ang kanilang grupo sa nalalapit na fiesta at nagpalit na sila ng ruta para sa traffic advisories para sa pagbubukas ng Ibalong festival.


Magkakaroon ng ruta mula sa bahagi ng Lakandula na magdudugtong sa Rotonda kung saan ito ay didiretso sa bahagi ng Embarcadero, papunta sa Ibalong park.


Dagdag pa ni Rivero, magkakaroon din sila ng road clearing operation para lumawak ang mga daanan para sa nalalapit na kapistahan.


Kasama sa road clearing operation ang mga kalsada sa lugar ng Peñaranda at lakandula kung saan katuwang ang Legazpi City Task Force Kaayusan at Kalinisan, kabilang rin ang mga bagong mga gurpo mula sa ilang distrito na tutulong para sa operasyon.


Mahaba rin ang pila ng mga kalahok sa nalalapit na selebrasyon kung saan nakatutok din ang opisyal sa paghahanda ng mga daanan para sa publiko.


Samantala, tututukan din ng grupo ang pamamahala sa mga vendor para sa darating na okasyon.

Nagbabala rin ang opisyal sa publiko na maging alerto at kung sakaling mabiktima ng mga mapang-abusong driver asy ipagbigay-alam lamang sa mga awtoridad o kunan ng larawan ang plaka para makapagsumbong at mabigyan ng kaukulang aksyon.