LEGAZPI CITY – Naglunsad ang Philippine National Police at Department of Agrarian Reform ng trade fair sa Catanduanes bilang tulong sa mga lokal na magsasaka.
Naglagay ang ahensya ng pwesto sa labas ng Camp Camacho kung saan ipwinesto ng mga magsasaka ang kanilang mga naaning produkto upang maibenta.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Rosalinda Gaston ang tagapagsalita ng Catanduanes Police Provincial Office, kahapon ng simulan ang programa na naging maganda naman ang takbo dahil marami ang mga namili.
Mabenta ang mga produkto dahil maliban sa bagong ani, mas mura pa ang presyo nito dahil direktang nabibili mula sa mga magsasaka.
Kasama sa mga ibinenta sa trade fair ay mga gulay kagaya ng langka; puso ng saging; malunggay; kalabasa; mayroon ring mga prutas at mga processed food kagaya ng kamote at taro chips.
Dahil sa magandang resulta ng trade fair planong isagawa ng PNP at DAR ang programa sa kada petsa 15 ng buwan