Legazpi City– Sinampahan na ng kasong sedition at inciting to sedition kan Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang abogado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Atty. Israelito Torreon kasama din ang 11 iba pa sa Department of Justice (DOJ).
Pinangunahan ni PNP-CIDG chief PBGen. Nicolas Torre III ang paghahain ng kaso laban kina Torreon, Eleanor Cardona, Carlo Catiil, Jeffrey Celis, dating spkesperson ng NTF-ELCAC na si Lorraine Badoy-Partosa, Kathleen Kaye Laurente, Trinidad Arafol, Lord Byron Cristobal, Joey Espina Sun, Esteban Lava, Jose Lim III at lawyer Marie Dinah Tolentino-Fuentes.
Ang kaso ay nag-ugat sa pagharang at pagpigil ng mga miyembro ng KOJC sa mga kapulisan na arestohin si Quiboloy nitong nakaraan na Agusto kunng saan ilan sa mga kapulisan ang nasaktan.
Base sa reklamo naging basehan din ng PNP-CIDG ang pagsasagawa ng Kilos-protesta kan mga miyembro ng KOJC sa kalsada, bagay na taliwas sa permit ng LGU na prayer rally lang sa laob ng compound ng grupo.