LEGAZPI CITY – Napilitang bumalik sa Legazpi City airport ang isang eroplano ng Cebu Pacific dahil sa masamang lagay ng panahon na dulot ng Bagyong Tisoy.
Nabatid na patungo sanang Mactan, Cebu ang naturang eroplano subalit hindi ito nakalapag kaya napilitang bumalik sa paliparan.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Legazpi sa management ng paliparan ay hindi pa malinaw kung kailan matutuloy ang flight ng mga stranded na pasahero.
Samantala, kanselado na rin biyahe ng mga bus mula sa LKY terminal sa lungsod na Legazpi na patungo sa Metro Manila.
Kaugnay nito, patuloy rin ang panawagan ng mga kinauukulan sa mga bus companies na huwag na munang bumiyahe lalo na ang mga magtutungo pa sa mga lalawigan sa Bicol region kasunod ng pagkakasuspinde ng biyahe ng mga sasakyang pandagat dahil sa naturang bagyo.