Tinutulak na ‘voters’ education’ sa K-12 at kolehiyo dapat na hindi na basic ang ituro — election expert

35

LEGAZPI CITY- Hindi maitatanggi ni Kontra Daya Convenor, Danilo Arao, isang professor at election expert na maganda ang itinutulak na ‘voters’ education’ sa K-12 Curriculum at sa tertiary level.

Ngunit ayon kay Arao panayam ng Bombo Radyo Legazpi, dapat na maging malinaw at malaman ang mga leksyon na ituturo sa kurso o asignatura.

Aniya, dapat na hindi hindi basic ang mga detalye na ituturo rito kagay ng kung kailan makakaboto ang isang indibidwal at kung sino-sino ang mga tumatakbo para sa pwesto dahil para lang ito sa mga first time voters kung saan nililinaw naman na ng Comission on Elections.

Hamon ng election expert sa Department of Education at sa Commission on Higher Education sakaling maaprubahan an ‘voters’ education’ dapat na ituro ang mas malalaking isyu sa politika.

Kasama na rito ang disinformation, political dynasty, at ang misuse and abuse sa puwesto ng mga nakaupo sa gobyerno.

Pagbibigay diin ni Arao, sa kolehiyo man o sa K-12, importante ang malalimang pag-analisa o ang pagiging kritikal upang magkarroon na talaga ng tunay na pagbabago.