LEGAZPI CITY- Muling nagagamit ngayon ng mga mamamayan ng Estados Unidos ang social media platform na Tiktok ilang oras matapos itong ma-ban sa naturang bansa.

Ito ay kasunod ng mga pahayag ni US President elect Donald Trump na gagawan niya ng paraan upang maibalik ang naturang platform.

Matatandaan kasi na itinuturing na banta sa seguridad ng bansa ang naturang social media giant.

Ayon kan Bombo International Correspondent Rosemarie Vasquez Wagner na malaki ang papel ng Tiktok at iba pang social media platforms sa popularidad ni Trump sa panahon ng pangangampanya nito.

Dahil dito ay nais rin aniya ng pangulo na magamit ang naturang platform sa livestream ng kaniyang nakatakdang inagurasyon.

Matatandaan kasi na magkakahalo ang naging reaksyon ng publiko lalo na ng mga influencers sa anunsyo na pag-ban ng Tiktok sa naturang bansa.

Samantala, sinabi ni Wagner na nakahanda na ang lahat para sa inagurasyon ni President Elect Trump, na napagpasyahan na gawing indoor dahil sa malamig na temperatura.