Nagpositibo sa coronavirus ang apat na taong gulang na Malayan tiger sa Bronx Zoo sa New York.
Ito ang pinakaunang pagkakataon na na-infect ang isang tigre ng COVID-19 na nakakaapekto sa mga tao, ayon sa US Department of Agriculture’s National Veterinary Services Laboratories.
Nagkaroon aniya ng “dry cough” ang tigre na kinilalang si Nadia, kapatid na babaeng tigre na si Azul, dalawang Amur tigers at tatlong African lions at inaasahang makaka-recover.
Kumuha na rin ng samples sa iba pang hayop sa zoo na nagpakita ng sintomas ng sakit.