LEGAZPI CITY-Tinamaan ng hindi pa matukoy na projectiles ang isang Thai-flagged cargo ship habang nasa Strait of Hormuz sa eshm Island, Iran.
Kinumpirma na tinamaan ito ngayong araw ng Biyernes ng Iran media.
Ayon sa Thailand, nasa 20 crew ang nasagip ng Omani navy.
Habang tatlo pa ang nananatiling nawawala matapos ang pagsabog sa stern ng barko at nagkaroon rin ng sunog sa mismong engine room nito.











