LEGAZPI CITY—Nananatiling nasa ilalim ng flash flood alert ang Texas matapos ang naranasang pagbaha sa nasabing lugar na nagsimula noong ika-apat ng Hulyo o Araw ng Kalayaan sa Amerika.
Ayon kay Bombo International Correspondent Texas Michael Peacock, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, patuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawalang indibidwal na tinangay ng baha.
Aniya aktibo rin na umaaksyon ang mga responders ng Texas at nagtutulungan ang gobyerno upang mahanap ang iba pang nawawalang mga indibidwal lalo na ang mga babaeng nagsasagawa ng camping sa isang Christian camp.
Sinabi rin ni Peacock na wala pa silang natatanggap na ulat tungkol sa mga Pilipinong naapektuhan ng baha.
Patuloy rin aniya sa pagbibigay ang gobyerno ng mga pangangailangan sa mga biktima ng pagbabaha.
Ayon pa ki Peacock na idineklara ng Texas Governor ang Hulyo 6 bilang Day of Prayer sa buong Texas dahil sa nasabing kalamidad.
Samantala, umakyat na sa 82 ang bilang ng mga nasawi, kung saan 28 dito ay mga kabataan at higit sa 60 ang mga namatay na matatanda.
Mensahe rin nito sa publiko lalo na pagdating sa mga ganitong sakuna na dapat seryosohin kung kinakailangang lumikas, huwag maging matigas ang ulo at maging handa sa anumang oras.