Inihayag ni Interior Secretary Benhur Abalos na target ngayon ng mga kinauukulan na makuha ang kustodiya ni dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr.
Ito ay kasunod ng matagumpay na pagkakahuli at pagpapabalik sa bansa kay dismissed Bamban City mayor Alice Guo gayundin ang pagsuko ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.
Matatandaan na ang mga kaso nila Teves, Guo at Quiboloy ay ilan sa mga tinututukan ngayon ng pamahalaan.
Ayon kay Abalos na gumagawa na ng paraan ang pamahalaan para sa pagpapabalik sa bansa kay Teves na kasakuluyang nasa kustodiya ng Timor Leste police simula pa noong Marso.
Ang dating mambabatas ay akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong 2023.